Powered By Blogger

search

Thursday, July 10, 2008

taken from: http://knightstemplar.blogs.friendster.com/the_knights_templar/2008/07/abode_ng_banzai.html

This was posted by one of my favorite authors, melay-junior bob ong..
nakakaiyak tol..

ABODE NG BANZAI

ABODE ng Banzai

-para sa Ikatlong Taon

By: Armely Joyce P. Obungen

SIGMA BETAN, SLU 05-S

Ang pinaka nakakaiyak gawin ngayon eh yung kumain ka mag-isa,na kahit na ka price pa ng Burgoo eh hindi mo talaga ma-aappreciate dahil walang nakikipag agawan sayong mga batchka mo. Di gaya ng dating Buguias Fries lang ng Balconaje eh nag uumapaw na kayo sa kasiyahan, kahit na ang iba nama’y nag mamasimpleng pumapapak nalang ng coffeemate at brown sugar.

Mag t-tatlong taon na kami, madaming nawala, nawalay, humiwalay at kung anu pa mang panlapi ang idugtong sa root word ng HIWALAY.. may babalik, babalik-balikan, nagbabalak bumalik, bumabalik. Alam kasing pag dating doon, may babalikan..

Saan??...... hmmmm... Doon..

Nagkaroon na nga rin kami ng Batch- Cat . Si banzai na laging present sa mga importanteng pangyayari, laging nag hihintay kahit ang habol lang naman talaga niya eh ang masarap na pagkain. Naisip ko tuloy, para nga yata kaming mga pusa ng batchmates ko kung tutuusin. Si banzai kasi, minsan Umaalis, babalik man siya, nagdadalang pusa na. Ganun din siguro kami, umaalis man, bumabalik pa din dala dala ang mga masasayang alaala at lubos na pagpapasalamat dahil kamiy napag-buklod buklod ng SIGMA BETA SORORI TY

Yung kwarto ni Ching na masahol pa sa payatas, nagkakasya ang 12 na tao, yung mga panahong may tinatago kaming kadeteng AYER sa kuwarto kasi part kami ng welcoming committee, bilang residente.. yung pag bumabagyo eh wala talagang liguan at pag brown-out eh nagtatakutan pa sa haunted Mansion sa Gibraltar. Yung mga panahong yosi at alak at ang pag patak sa jug ang tanging kinatatakutan.. Mga panahong inakala mo’y ordinaryong araw lang nun, pero lahat ng yun, part nalang ng nakaraan.

Madalas din akong mag-day trip pag galing akong Baguio. Mamarapatin ko talagang mag- day trip nalang. Nahihirapan kasi ako pag paalis ako ng Baguio tapos nakikita ko yung mga ilaw ng siyudad na nawawala ng tuluyan hanggang hindi mo na talaga makita sa kapal ng fog..zero visibility pa. Hindi mo alam kung san ka pupulutin.

Bawat ilaw na nakikita mo, ay may naipapaalala sayo na minsan, isa sa mga ilaw na yon ay naging liwanag sa buhay residente mo:

Habang nag-hihintay ka ng taxi pagkatapos ng Jug sa Nevada, sa tavern ,pagtapos ng FR, habang pauwi ka ng new Lucban, Aurora Hill, Bonifacio, Irisan, Trancoville at kung saan pa man. Nagpapaalala din ito ng mga posteng nasipa mo sa pag- aakalang voice command with kick and mga street lights ng Session road. Mga ilaw na nag bigay liwanag sa mga panahong madidilim at hinihiling mong mag dilim nalang. Nagpapaalala din ito ng mga Amuyang days naming lahat. Ito yung mga panahong nag-s-service kami kina Lovell Mars para makalibre ng dinner at umuwi ng late dahil madami kaming nakain, minsan ayaw pang umuwi dahil hours parin naman yun.

Sa may baba nila dun sa may poste at ilaw, dun kami nag hihintay. Dun Madalas mangyari ang self-evaluation bilang amuyang, kung nakasagot ba sa mga tanong ng lovell, sinong pumalya, sinong nakakatawa, kaninong mata yung nakita...

Ang mga amuyang na sandali din na gusto mong maging gallon ng tubig.. bakit? Kasi didiligin mo ang sorority.. gusto mong maging walis tingting dahil wawalisin daw ang sorority. Gustong maging yosi, kasi ang usok eh nagiging clouds, at ang clouds eh malapit sa langit:, at gustong maging martilyo.. kasi “i’ll be the one to pull you up when you are down”..

Ang mga amuyang na sandali din na nalaman mo kung bakit bawal i-rap ang LUPANG HINIRANG at mag –ala gloc-9. Duty to country nga pala..

Ang mga sandaling naging ka close namin ang tissue paper, at kahit kailan hinding hindi mkakalimutan..

Doon..

Doon, isang text mo lang pag gusto mong mag- kape.. aasahan mong may dadamay sa iyo. Gaano man kapait, katamis, ka creamy ng kape, Starbucks man ito o Balconaje brew, may kasamang kwento bawat hithit, sipsip at sawsaw ng fries mo.

Doon, pag mga oras na gusto mo lang ng makakasama dahil wala ka lang talagang magawa sa buong araw, in the end of the day, meron at meron kang makakamayan.. mayayakap at mkakakwentuhan.

Doon, sa panahong may problema ka, asahan mong may mag-mumura para sa yo, may makikipag away at may magtatanggol sa paniniwala mo.

Sa mga panahong ang tangi nalang nag-sasalba sa kumakalam mong sikmura eh noodles, asahan mo paring may kaagaw ka dahil lahat masarap, maging ang tuna with sky flakes masarap, kasi alam mo ding pag gising mo sa umaga eh hindi sila mawawala, hindi ka nila iiwan, lagi kang may Batchka.

Gaano ko na ka-miss? Pucha..Sobra...

Doon.. sa Baguio..

2 comments:

Anonymous said...

Hello would you like to be in the google adsense group, if so let me know.

Anonymous said...

naiyak nga lola ko sa sinulat kong yan.. sabi nya, sana napag kakakitaan mo yung mga ginagawa mong ganyan.. hahaah